About www.umleo23.com

Posted by umleo23 on January 27th, 2008

Okay! Kaya kayo napad-pad d2 ay dahil gusto nyo malaman ang mga mumunting detalye tungkol sa blog na ito at tungkol sa akin. So sige pagbibigyan ko kayo! Pero tungkol lang sa site na ito wahahaha!

Unahin natin ang tungkol sa blog site na ito. Nagsimula ang lahat taong 2006 sa www.multiply.com. Inaya ako ng aking mga kaibigan na sumali at mag upload ng pictures rito. At pinangalanan kong “A Piece of Crap” ang multiply ko. Kase para sa iba ay basura lamang ang mga ginagawa ko, pero para sa akin ay mga kayamanan ito na ayokong mawala sa akin, kaya ganun ang title. Now you know! wahahaha

Napansin kong pwede rin pala akong magsulat ng na parang isang journal. So nagsulat naman ako ng nag sulat. Hanggang sa dumami na ang nagbabasa ng mga ginagawa ko. Then naglagay ang multiply ng video features kaya naman hindi ako nag pahuli at gumawa ako ng isang MTV ng Torpedo na Lip Sync ang tema. Natuwa ang mga viewers ko kaya naman nag-decide akong ilagay ito sa youtube.com. Ng gumawa ako ng account sa youtube, nakita ko si Happyslip. Una hindi ko alam na pinay pala siya, pero tawang tawa na ako sa mga ginagawa nya. And so na inspire akong mag video blog na rin, na mas kilala bilang vlog or vlogging.

At dahil dumami ng dumami ang mga nanonood sa mga video ko (though kokonti ang nagsusubscribe :( ) ay nag decide na akong gumawa ng sarili kong website.

taong 2007 ng lumabas ang umleo23.com Nung umpisa ay redirect link lang ito. At bago nagtapos ang taong 2007, the new www.umleo23.com was born!

Yun nga lang kulay Tae ang kulay nito, kase siyempre A Piece of Crap nga dba… Ngunit napangitan ako at naghanap ng makakatulong sa akin. At dahil nga dito nakilala ko si Karlo ng PinoyBlogero.com Binigay ko ang gusto kong layout sa kanya then cya na ang nagcode at nag ayus ng mga ito. Syempre naglagay din ako ng konting touch sa sarili kong website, panget naman kung totally si karlo ang gagawa. And so! Ayan ang umleo23.com! The History! In the making! wahahahahaha


Leave a Comment

Update: Watch the VIDEO PRESENTION of The 2008 Philippines 10 Best Funny Blogs View Post



Advertise on umleo23.com
Copyright © 2007-2008 Privacy Policy.
A Piece of Crap is proudly powered by WordPress
About Author | Webmail