Pagod si Umleo

Posted by umleo23 on September 17th, 2009

It’s been awhile since gumawa ako ng entry para mabasa nyo. kase sobrang busy sa trabaho. As in… pagod na ako. Wala na kong time lumabas pag weekend rin lately kase nasa opisina ako ng mga raw na iyon.

Pagod na ako. Sweldo na kinikita ko, hindi ito sapat na kabayaran sa workload na binibigay sa akin. Sa tingin ko masyadong mababa pa ito, bwahahahahaha… Dapat taasan pa nila!

Pagod na ako sa gabi – gabi na hindi ako makauwi ng sakto sa oras. Mabuti pa sa Pilipinas noon, on the dot nakakauwi na ako.

Recession raw kaya hindi tumaas ang sweldo ko ng isang taon. Pero dumami ang trabaho ko sa loob ng isang taon.

Kapag umuuwi ako kung minsan inaabot ako ng 10:00PM sa opisina. Pero ang expectation sayo ng mga amo mo, pumasok ka kinabukasan ng maaga pa rin. Kung hindi nako makakakuha ka ng email na pinapaalala ang tamang oras ng pag pasok. Ang oras naman talaga kase 9Am to 6PM.

Medyo pikon ako pagdating sa mga ganitong bagay. Bakit? eh putcha kung gusto mo akong pumasok ng maaga, huwag ka mag expect na mag stay ako ng more than 6PM. Dapat alam mo na lalayasan kita pag dating palang ng ala-sais.

May araw pa nga na madaling araw na ako nakakauwi. minsan 1AM minsan 3AM. O tapos expect mo papasok pa rin ako ng 9AM? Eh kulang na yun sa pagtulog ko ha.

Pag weekdays hindi bayad ang sobrang oras na pagtratrabaho. Pero ang weekends na pag pasok, yun ang bayad.

Oo bayad nga ang weekends pero ano ba naman! Pagod ka na ng weekdays pati ba naman weekends pagod ka pa rin?

Mga tao rito na kasamahan ko, yung iba walang pakielam naman talaga kung ano mangyare sayo. Mamatay ka jan kakatrabaho basta ako okay pa.

Hangga’t humihinga, mag-tratrabaho ka. Yan ang quote ko sa mga panahoon na ganito.

Sabi naman nila, be thankful na lang may trabaho ka. Actually thankful naman ako, kase kung hindi dahil sa trabaho ko wala akong maiipon na pera, mga mabibiling gamit, may magagandang damit, may bahay na natutuluyan. Pero lahat ng ito, hindi ko naman mabibitbit kapag nagkasakit ako at pumanaw sa kakatrabaho hindi ba?

talo ko pa ang empleyado ng 7-11!!! buti pa sila may shifting, morning-afternoon-evening. Eh ako ang shift ko, Today’s morning ’till the Moning of the next day!

I am still thankful at hindi ako nanganganib na matanggal sa trabaho kong ito. Sana lang yung mga amo ko rito at mga kasamahan, ma appreciate yung mga ginagawa ng mga empleyado nila. Yung tipong konting konswelo man lang, na paramdam nila na they’re greatful at yung mga empleyado nila dito eh nag sasacrifice for their work.

Swerte pa nga ako, wala akong pamilya, paano pa kaya yung mga empleyado nilang may pamilya at mga anak na hindi na nila nasisilayan na gising…

Pinagdarasal ko, na sana matuto mga tao dito na mag appreciate sa lahat ng hard work ng mga empleyado nila. Hindi lang ako nagsasalita for my own pero para sa lahat ng mga empleyado nilang naghihirap para lang matapos ang mga trabaho on the dot.

Pero come to think of it… taasan lang nila sweldo ko! I would feel appreciated na! ROFL!


2 Comments



Leave a Comment

CommentLuv Enabled
Copyright © 2007-2010. All Rights Reserved® by umleo23™
umVLOGging is proudly powered by WordPress
Home | About Website | About Author | Vlogs | Events | Webmail | Privacy Policy | Contact Us