Kwik Update!

Posted by umleo23 on August 3rd, 2009

BUSY AKO!
SOBRA AS IN!
Ni wala akong oras gumawa na ng videos! Ang dame ko ng naiisip na skits pero ni isa dito wala pa akong na e-execute! Kainis! Sobra busy kase sa trabaho ngayun kaya madalang ako magparamdam ngayon! tapos uuwi lang ako kung ako ay jejerbak… At kung may free time naman ako, eh ako ay nag-fa-farm!

Anyway, ang dame ko ng nami-miss out na events at hindi ko nagagawan ng entry sa blog ko.

Pumanaw na si Mrs. Cory Aquino. May she rest in peace and bless the Aquino Family. For me, she is one of the Philippine Heroes.

Tapos lumipas na rin yung SONA ng ating Presidente. Maraming ngumangawa na naman tuloy na wala namang wenta yung SONA niya. Though hindi ko pa napapanoos honestly, eh hayaan na lang natin siya. Para sa akin hindi naman importante yang SONA na yan! Ang importante eh yung kumilos tayo. Panget man o maganda ang SONA, eh huwag na natin pansinin yan! Ang importante ay we are doing the best we can to help each other. Isipin na lang natin kung saan at paanong paraan tayo makakatulong sa sarili nating bayan!

Doon palang sa umpisa ng pamamahala ng bawat pangulo natin naguguluhan na ako sa idea ng mga tao sa bayan natin… Yung palugid na 100 days ba yun, after mo manalo as President ay mag sasalita ka na kung ano mga nagawa mo within 100 Days…

Eh hello! kaya ka nga may ilang taon na pamamahala para magawa lahat ng pinangako mo diba? Masyado naman atang maiikli yung 100 Days para magawa mo na lahat ng pinangako mo! Sus sa gulo ng bayan natin hindi lang 100 Days ang kailangan para maayos ito.

Ay oo nga, pati nga si MJ namatay na hindi pa rin ako nakapag tribute sa kanya. Idol ko pa naman yun sa pagsayaw! tama na yang pagkakalat ninyo ng mga balita at mga chismis! Hindi na importante kung nagpaputi siya or may sakit! Hindi na rin importante kung natatanggal ang ilong niya o hindi! hindi na rin importante kung pinagsamantalahan niya yung mga bata na nagsampa sa kanya ng kaso. Sus Patay na yung tao, lubayan ninyo na! Still he is the King of the Dance floor! No questions asked pagdating dun, tama ba? I mean bago pa matutong sumayaw si Justine Timberlake, ay sus Michael Jackson na siya! Yung mga magulang na nagsasabi na pinagsamantalahan ni MJ yung mga anak nila… Sus! Eh in the first plays baket ninyo kase pinatutulog sa ibang bahay ang mga anak ninyo!? Sus may bahay naman kayo! ewan ko ba sa inyo oh!

And finally, wala na ulit akong masasabi, dahil ubos na ang laman ng utak ko! Ubos na sa kakaisip sa trabaho! Tuyot na ang utak ko. Mag wewet-ones muna ako para umandar ulit kahit konti!


4 Comments





Leave a Comment

CommentLuv Enabled
Copyright © 2007-2010. All Rights Reserved® by umleo23™
umVLOGging is proudly powered by WordPress
Home | About Website | About Author | Vlogs | Events | Webmail | Privacy Policy | Contact Us