Utak Crab!

Posted by umleo23 on June 16th, 2009

Dumaan na ang ika-111 na Independence Day ng Pilipinas. Ang araw ng ating kalayaan. Kalayaan ng bawat Pilipinong matigas at makulit ang ulo.

Pero may nagbago ba? Sa loob ng 111 na taon na tayo ay isang malayang bansa, ano ang mga nagbago? Pakisagot naman oh…

Isa sa hindi maalis sa atin ay yung hilahan pababa! Hilahan sa swimming pool. Hilahan sa malalim. Hilahan sa bangin. Mamatay na siya kaya pinatay ka na rin niya. Ang tawag diyan Crab Mentality. Sa Tagalog, utak alimango. Sa mga sosyal na unibersidad, ang tawag diyan, Utak Crab!

Noong bata pa si Juan at Pedro, mahilig silang maghabulan. Ng minsan nadapa si Pedro. Ang ginawa ni Juan sinubukan niyang tulungan ang kaibigan, ngunit tinulak niya toh upang ito naman ang madapa. Oh Enjoy dba! Parehas na silang nadapa. Utak Crab!

Si nene may bagung manika samantalang ang kanyang kapatid na bunsong babae luma na ang manika. Ang ginawa ni bunso, ginupitan ang bangs ng bagong barbie ni Nene. Kaya gera na naman sila. Si Nene, ginupit ang bangs ng kanyang kuya. Bonggang Utak Crab!

Ang nanay ni Kiko, mukhang crab!
Ang tatay naman niya, matigas ang crab lage!
Ang kuya niya, mahaba ang… sipit ng crab!
Ang ate niya, amoy crab ang…
Isa silang pamilyang crab!
Hindi ko sila masisisi kung maging utak crab nga naman sila.

Sa trabaho uso rin yang Utak Crabness. Para hindi mapagalitan ni Pinuno, tinuro ni Maryo nakasalanan ni Eba ang lahat ng maling nangyare. Since Pinagagalitan si Eba ng pinuno, tinuro niya na ang may kasalanan rin si Nardo.

One time na hotseat si Junjun, denial to death siya at sinabing wala siyang kasalanan. Ang tinuturong may sala, ang Pinuno!

Sa eskwelahan uso rin yan! Sa Ateneo, FEU, Mapua, UST, UP, La Salle at sa iba pang kilalang paaralan. Pagandahan sila! Pagalingan ng mga estudyante! Hindi mo maririnig na pupurihin ng isang paaralan ang ibang paaralan. Kundi ilalabas pa nila ung mga seks scandal ng FEU at La Salle. Pati PLM inde nagpatalo! Sa Intramuros pa nag seks! Tamang trip lang talaga!

Sa politika ganyan din! Pabahuan sila, at pala kasan na lang ng boses ang ginagamit! OKAY CONASS APPROVE! Bwahahaha yan ang lakas tama! Sa Senado maganda for sure ang gagawin ng mga senado. Since sa Congress palakasan ng boses, sa Senado malamang pahabaan ng hininga! CON ASSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS………………………

wahahaha… Pwede nilang sabihin na hindi sila utak crab… Dahil buti pa ang crab nakapag isip ng maayos! Sila mukhang nawawala na ang mga utak.

Usong uso ngayon ang utak crab! Kung iniisip ninyo makiki uso kayo, mag isip-isip kayo… At ingat-ingat na rin! Mabuti pa ang swine flu may gamot na! Eh ang gamot sa mga TANGA hindi pa naiimbento!


9 Comments










Leave a Comment

CommentLuv Enabled
Copyright © 2007-2009. All Rights Reserved® by umleo23™
umVLOGging is proudly powered by WordPress
Home | About Website | About Author | Vlogs | Events | Webmail | Privacy Policy | Contact Us