Recess Time!
Posted by umleo23 on March 12th, 2009Recession Recession Recession! Yan ang laging dahilan ng mga tao ngayon. Baket sila nagtitipid, baket sila nagpapakitang gilas sa opisina, baket di sila konti kumain. Laging yan ang rason. Meron pa nga ibang nagbibigay ng rason tulad na kaya niya iniwan asawa niya ay dahil sa recession! Pati blog ko muntik na mag recession! Buti na lang hindi natuloy.
Mahirap nga naman talaga ang buhay ngayon! Lalo na ngayung wala na si Francis. Nasan si Francis? Kinuha na siya ni Papa J. Condolence na lang sa Pamilya na naiwan niya. Kahit ako nalungkot sa pangyayare. Kase my dad has cancer as well, yun nga lang na agapan yung sa tatay ko, he is better now, thank God.
Mas humirap ang buhay ko naman! Baket kase yung amo na katapat ko na desk, walang ginawa kundi ipamonitor ang temperatura dito sa area namin! Ano ako P.A.??!! Araw araw na ginawa ng Poon, Leonard malamig ata pa adjust mo nga ung temperature. Leonard mainit, ipa-decrease mo nga yung temperature! Namputcha eh ano ba gusto nyang temperature! Tapos lage naman cyang wala dito sa area namin, hindi cya ang nahihirapan kapag sobrang lamig or sobrang init! Ano koneksyon nito sa recession? Ewan basta gusto ko lang i-share!
Recession raw, kaya pala traffic pa rin sa Pilipinas ! Recession pero ang daming sasakyan sa lansangan. Kaya ‘di ako naniniwala na mahirap ang Pinas! Hellooo ang dameng may kotse nga! Ibig sabihin may mga pera ang mga tao jan! Yun nga lang hindi alam kung ano ang uunahin! Kaya nauubos ang pera.
Recession rin dito sa Singapore. Mas matindi ang tama at epekto sa bansang ito. Kaya punong puno ng tao ang IT Show 2009 ngayun sa mall (sale ng mga gadgets and electronics like computers and laptops). Recession pero ang dameng naka LCD TV na! at HDTV pa!
Recession kaya naman puno ng mga bata at estudyante ang starbucks! Habang naglalaro ng psp at ng macbook nila! Sa pinas naranasan ko lang mag starbucks nung may trabaho na ako. Pati mga 8 years old na bata naka starbucks dito!
May malaking sale rin ng mga condo unit na itatayo dito sa SG. Recession kaya naman puno ng mga buyers ang sale venue ng condos na yun.
Recession kaya lahat ng tao sa train naka iphone!
Recession kaya may trip ako papuntang Thailand ng tatlong araw!
Recession, recession, recession… Lagi na lang si Recession!
Oo alam ko na na recession ngayon! Pero hindi naman ibig sabihin nito ay end of the world na noh!
Though recession nga ngayun, at hindi natin alam kung hanggang kailan ito magtatagal, importante ay nandito pa rin tayo sa earth! Eh pano kung sumama tayo kay Mr. Francis? Ang importante nandito pa rin mga pamilya at kaibigan natin, nakakausap, nakikita, nadidinig o ano pa man. Ang importante nanjan sila, na makikilala mo lalo na ngayun sa mga panahong tag-hirap.
At pinaka huli, recession nga pero hindi ibig sabihin nito ay kailangan puro sarili mo na lang ang iisipin mo. Hindi mo kailangang umangat at mangibabaw sa iba. Dahil kahit naman ikaw ang maging bida sa career mo, walang pinagbago recession pa rin. Mas maganda kung iisipin rin natin ngayun ang kapwa natin, mga kapatid, kaibigan o mga kakilala. Napaka simple lang naman ng problema tulad ng recession. Diyan mo makikita ang pagiging matulungin. Tumulong tayo sa mga nangangailangan ngayong panahon ng crisis.
Nung bata tayo! favorite subject natin ang Recess Time! O ngayun! Patay tayong lahat! Nag take revenge na siya ngayon!
Cutting? Anyone?

The Gasoline Dude
Commented last March 12th, 2009 at 8:50 pmAnd says:
Dahil sa recession na ‘yan kaya ka naka-Macbook PRO. Na worth 4x ng sweldo ko sa isang buwan. Ganyan ka-apektado ng recession si Umleo23. *LOLz*
The Gasoline Dudes last blog post..10 Million
lyzius
Commented last March 12th, 2009 at 10:10 pmAnd says:
maniniwala ka bang hanggang ngayon hindi pa ako marunong bumili sa starbucks o kung saan mang mamahaling coffee shop?
kung ano ba ang kaibahan ng mga kung ano anong klaseng kape na meron sila?
maniwala ka na please…
lyziuss last blog post..Sale
Jasper Jugan
Commented last March 12th, 2009 at 10:37 pmAnd says:
mukhang recession nga, tagal mo na di nag post eh
Jasper Jugans last blog post..Journey towards the crater of Mount Pinatubo
flamindevil
Commented last March 13th, 2009 at 1:00 amAnd says:
tama na maraming satsat..sama ko sa trip sa Thailand.haha
flamindevils last blog post..The Name Game
Jasper Jugan
Commented last March 14th, 2009 at 9:36 pmAnd says:
wow thailand! happy trip bro! and happy alam mo na!
Jasper Jugans last blog post..Journey towards the crater of Mount Pinatubo
mangbadoy
Commented last March 17th, 2009 at 3:53 pmAnd says:
kay kagawad ka na mag paliwanag… recession recession ka pa… libre ka naman dyan!
libre moko pamasahe sa thailand kahit 2 way lang.
bioniclugaw
Commented last March 19th, 2009 at 11:21 pmAnd says:
swerte mo dude, dun ka sa thailand magrerecess. di nga halata na recession kasi dami parin tambay sa istarbaks. ako nakiki-CR lang ako sa istarbaks.
bioniclugaws last blog post..The Nuisance Shangrila MRT Entrance
flamindevil
Commented last March 20th, 2009 at 3:36 amAnd says:
parekoy,may surpresa ako sayo..dalaw ka sa site ko ngayon na!haha
you are TAGGED!
jeniffer
Commented last March 20th, 2009 at 9:10 pmAnd says:
haha, anong kinalaman ni Francis M. sa recession? hihi.. yan ang mahirap sa boss.. gusto nya under ka nya tsk..
maccallister
Commented last March 24th, 2009 at 7:16 pmAnd says:
ano ba yun recession?yun kainan after ng klase?LOL
magtulungan pala ha!siya padalhan mo ko pera ngayon dito sa pinas!hahaha
maccallisters last blog post..Im Done!
maccallister
Commented last March 24th, 2009 at 7:17 pmAnd says:
bakit ngyon ko lang nakita tong latest entry mo haha ang tagal n pala nito march 12 pa haha 24 na ngayon hahahaha
maccallisters last blog post..Im Done!
flamindevil
Commented last March 25th, 2009 at 3:05 amAnd says:
dumaan,tumambay,nagbasa,nangulit at naghanap ng bagong post ngunit wala.ayun!
flamindevils last blog post..Why I LOVE These Boys
Ellehctur
Commented last August 26th, 2009 at 11:31 amAnd says:
hmmmmmm…how about the CANON SLR? was this brought about by recession?
Ellehctur´s last blog ..Bangkok