WORD WAR sa Blogosphere?
Posted by umleo23 on September 22nd, 2008I was checking my plurk earlier this morning. Then syempre todo todo ang pag scrolls ko sa updates ng mga friends ko at mga ibang bloggers. When I noticed something from one post from a blogger. The post said she is sad dahil something is going on. I read the responses and it was about a blogger na nanalo from the Blog Awards. It was mentioned there na the winner was being criticize na cya ang nanalo. Then what I did I followed the blog links na kung saan makikita ko kung saan nagmula ang criticism. Then I found out it came from a blog post of a good-blogger. I know the blogger is Good dahil nabasa ko na at napupuntahan ang blogsite na ito.
I found from the blogsite as well, yung mga criticism on The Philippine Blog Awards. About the rules and how the judging process is done. I won’t go into details and all. But one thing for sure, this is becoming a serious matter. Blogger A defends, while Blogger B fires back. Until what? Until everybody gets involved sa gulo na ito. The Philippine Blogosphere then will be divided into two, kakampi ni Blogger A then ang otherside will be with Blogger B.
Umleo23 Screams!
Stop it!!! Hindi toh magandang ihemplo sa mga mamababasa natin, sa mga nagbabasa sa mga blog natin. Wala akong kinakampihan for both parties. I mean com’on! Baket natin kailangang mag away-away dahil lamang sa isang maliit na bagay na pinapalaki natin! Our Government, the politics and all are so ugly already! Baket pa natin ito gagayahin! Maliit ang mundo ng mga Filipino bloggers. Kahit saan ka lumingon meron kang isang blogger na makikita. Kung ganun kaliit ang atig mundong ginagalawan baket pa natin lalo ito paliliitin…
Blog Unity
Para sa akin ay mali ang nangyayare. Hindi ako galit sa mga Bloggers na nabasa ko, but I am saddened. Ngayon kahit saan ako lumingon, may nakikita akong politikong kahalo sa lahat ng bagay! Kala ko pa naman tahimik, maayos at Masaya ang mundong ito. One thing for sure, I hate dirty politics! Kaya ako nag-blog is to share with other people yung magagandang experiences at kaugalian na nakukuha ko from other people. Though I know I am not perfect, minsan ay bastos ang post ko dito sa blog ko. But I will never put or cause the Pinoy blogging world to be divided in to two. Naniniwala pa rin ako, that every Filipino Blogger sa Pinas o sa labas man ng Pilipinas na katulad ko, ay may kanya kanyang talento and I rather work with every Filipino Blogger than to ruin them one by one for my salvation.

MARU
Commented last September 23rd, 2008 at 12:31 amAnd says:
sweetie pie, wag ka mag alala kasi HINDING-HINDI madi-divide ang mga bloggers.
hindi ko iniisip na ang blogosphere ay binubuo lang ni Group A at ni Group B. kulangot lang ang bilang nila sa kabuuan. May C,D,E,F,G, H, I…at hanggang Z pa noh. wag ka paapekto. yaan mo sila. nabasa ko rin yan kahapon. pero mas inaalala ko kagandahan ko kesa englisan nila ng englisan…pataasan ng ego…at padunungan. hehehe!
magpatayan man sila, eto lang masasabi ko – KEBERRR KOO! hahaha
umleo23
Commented last September 23rd, 2008 at 12:35 amAnd says:
@MARU:
Oo nga may point ka! Nag nonose bleed na nga ako dun sa isa! Grabe sa English eh! wahahahahaha Sencya na ayokong mag name drop… kilala rin naman ninyo kung sino sino mga tinutukoy ko… Kakalungkot nga lang at yung dalawa sa madalas kong puntahan yung nag aaway ngayon…. haysssss…
umleo23
Commented last September 23rd, 2008 at 10:33 pmAnd says:
Hayzzz! I will stay out of the topic nyang Warlah warlah about sa Blog Awards na yan!
I was even planning to join the awards at uber kong inominate ang sarili ko for next year…
Pero kung ganyan lang na marame akong makakaaway I rather stay as an underground blogger.
Sa mga nanalo sa awards na toh, congratz and sana po, eh tuloy tuloy lang tau sa mga magagandang post. tatandaan nyo lang, kung hindi para sa inyo yan, hindi nyo makukuha.
Sa mga critics, its okay to criticize ung awarding body at ung mga nanalo, pero sana hanggang dun lang…
noon sabi ng tatay ko sa akin, “mahirap ang masyadong matapang anak, marame kang makakaaway at iikli ang buhay mo”. Kaya hanggang ngayun ok lang tawagin nyo na kong duwag, pero hindi ako ang taong hahanap ng gulo…
Again I will stay out of it… and continue blogging and vlogging…
vanny
Commented last September 24th, 2008 at 2:23 amAnd says:
kahit saan yata na may voting process, talgang nagkakagulo.. tsk tsk.. =(
umleo23
Commented last September 24th, 2008 at 4:53 amAnd says:
@vanny:
oo nga ang gulo gulo ngayun! Parang kakatapos lang ng eleksyon sa Pilipinas! ehehehehe
Ewan ko ba! Minsan naiisip ko ung IBA (not all) eh nagsasalita lang ng against sa blog awards na yan eh yung mga bitter kase hindi nanalo… Ayoko man isipin kaso parang ganun ang lumalabas.
Si site ni Reyna Elena, i think she has a point na may glitches na kailangan ayusin sa proseso… Pero ung ibang namumutok ang butchi sa awarding body eh mukhang bitter sila…
“Hindi ako nanalo, tapos cya nanalo? Eh mas maganda ako sa kanya?” – parang ganyan ang umaandar sa isip ng iba…
May ibang mga kritiko jan na may sense ang sinasabi naman! which is, i think dapat natin sila pakinggan…
moment ng iba ngayun, dont worry darating din moment nung iba. pna-pnahon lang yan eh…
Note: this is now my opinyon… wala akong pinatatamaan sa sinabi kong ito! Ngayun kung tinamaan ka! O well then your guilty and btw bitter ka nga! ehehehehehe
reyna elena
Commented last September 24th, 2008 at 8:09 pmAnd says:
Hoy! Hoy! Saan? Saan me away??? Aba! Ang alam kong kaaway ko si Inday! Hahaha! Leche! Di ko matalo talo yun! Binabayaran ko na yong manager nya ayaw pa! Hahaha! Basta ayokong sumali sa gulong yan noh! World peace po ako! Hahaha!
reyna elenas last blog post..In support of Bluepanjeet
umleo23
Commented last September 24th, 2008 at 8:36 pmAnd says:
@Reyna Elena:
Dont worry! Matutuwa naman kayo sa results eh…. I think! wahahahahahaha
reyna elena
Commented last September 24th, 2008 at 8:45 pmAnd says:
LECHEEE! SAAN??? SAAN ANG AWAYAN??? ako ba tinutukoy nyo? World Peace yong site ko, ba’t parating WAR BLOG yon? Pinagsisindihan nyo nang kandila???? Mga leche kayooo HAHAHAHA
reyna elenas last blog post..In support of Bluepanjeet
umleo23
Commented last September 24th, 2008 at 10:49 pmAnd says:
Nako Reynz! Dito na lang ako tatambay sa loob ng blog ko kapag sumabog ang Fourth World War! Marame pa akong pangarap! ayoko pang mawalan ng karir! ehehehehehehe
jojitah
Commented last September 25th, 2008 at 6:00 amAnd says:
nagtitili ang reyna. lols!
hi umleo! *kaway-kaway* pers time ko dito. don’t worry I’m a peace loving person – PAG TULOG. lols!
jojitahs last blog post..magregla ay di biro
umleo23
Commented last September 25th, 2008 at 6:40 pmAnd says:
@jojitah
welcome na welcome ka d2 sa aking tahanan! Dito walang mag aaway! Dahil mahal ko ang lahat ng nilalang sa mundo! Including Reynz! wahahahahhaaha joke….
Kapag may mangugulo kukunin ko lang ang bato at ipalulunok kay kay Maru sabay sigaw ng Darna!
Mahalia
Commented last September 27th, 2008 at 5:38 amAnd says:
salamat at may nagsalita at umaawat sa away. magandang simulain iyan. kung sisindihan lalo ang mga away ay lalong magliliyab. ngunit, sa isang banda, di rin ako tatahimik kung kaibigan ko na ang nakakasama, dahil alam kong kung ako ang nakasalang sa hurnuhang parang lechon, di rin niya ako iiwanan. pero sa isa pa ring banda, tama ka, na tama na! tapos na yung ebent eh… ingat palagi. ay btw, ini-add kita sa links ko, para makadalaw ako ulit sa mga updates mo.
Mahalias last blog post..Hmmm Melamine
rara
Commented last September 29th, 2008 at 11:43 pmAnd says:
peace na tayong lahat okay? let us be a good example sa mga ibang tao. baka kasi mag- iiba ang impression nila about blogging.
raras last blog post..Update!
glesy the great
Commented last September 30th, 2008 at 6:26 amAnd says:
hep hep hooray… it’s a privelege na manalo ka pero hindi naman yan ang the best thing sa pagbloblog… let there be peace on earth or rather blogsphere… ang saya-saya ng maraming kaibigan, maghahanap ka ng kaaway… cheers bloggers, ang puso niyo..;p
glesy the greats last blog post..i am____ in other names
lenggai
Commented last September 30th, 2008 at 1:43 pmAnd says:
Naiintriga talaga ako sa away-away thing na ‘yan, pero wala pa akong tiyaga na i-research yan. normal lang naman sa mga awards ang intriga, and most of the time, ang mga nang-iintriga eh yung mga nagsa-sourgrape.
First time ko rin dito, nahikayat ako ng iyong vid kay manong badz, gusto ko sanang mag-bid, ngunit subalit datapwa’t…
lenggais last blog post..Schadenfreude
ronturon
Commented last October 2nd, 2008 at 4:19 amAnd says:
i know… nabasa ko rin yung series na yan na parang tele novela, i just find it funny though, and i ddnt take it seriously. Nangyayari naman talaga kasi sa totoong buhay yun Umleo… hehehe
ronturons last blog post..Pangarap
Maldito
Commented last October 2nd, 2008 at 4:38 pmAnd says:
gusto ko ng away!sino ang may gusto!ahahhaa,,,jokesness…
hayaan mo na yan sila….wala naman silang mapapala sa kaka english nila na yan kundi ang mag overtym sa kakaenglish..ahaha…jokes agen.
pero ito seryus na….mag blog nalang nga tayu…yung masasaya at walang away…yeah rock on umleo!!!
bow.
Malditos last blog post..Quickie
R.J.
Commented last October 3rd, 2008 at 7:16 pmAnd says:
sus, kahit pala sa blogging eh may ganyang awayan. kala ko sa kongreso lang. tsk tsk. tama nga yung sinabi mo dre, kung ganyan lang din ang mangyayari eh mas maigi pa ngang maging underground blogger na lang. pero bakit tayo papaapekto, bigyan mo na lang sila ng kutsilyo at bahala na sila, malalaki na sila.
R.J.s last blog post..children of valentines
vhonne
Commented last October 4th, 2008 at 1:59 pmAnd says:
hindi pa rin tapos ang away? ilang araw ko nang nababasa yang ganyan.. ngaun lang ako magcocomment…
eto lng masasabi ko… “No Comment”
kaya nga ako nag-blog para makaiwas sa gulo sa pamamahala sa realidad… tapos dito pala sa mundo ng sayber ang kasinggulo ng nangyayari sa Pinas… awts…??? nga ba?
vhonnes last blog post..Sumusobra Ka Na!
dimaks
Commented last October 6th, 2008 at 12:32 amAnd says:
hindi ako usisero pero san ang away na to? hehehe, i am klules
dimakss last blog post..Top 10 Philippine Funniest Blogs for 2008