TODO PLURK

Posted by umleo23 on June 13th, 2008

OMG! It’s 13th of the month and its Friday to be exact! May mga kasabihan tayo na kapag tumapat ang 13th day of each month sa Biyernes ay may masamang mangyayare sa karamihan sa atin.

Hindi ako naniniwala sa mga ganitong kasabihan. Kasi ang nasa isip ko ay, mga kuro-kuro lamang ang mga ito.

Kaninang umaga, nagising ako ng 9:00 A.M. Pakshet late na naman ako!!! Sanay na akong ma-late so hindi na bago toh! Defenitely, hindi ito dahil sa Friday the 13th!

At dahil late na ako, hindi na ako pwedeng babagal-bagal. So para mas mabilis, mas pinili kong sumakay ng taxi kaysa mag MRT. Hmmm ang problema nga lang, walang taxi! At nakapag hintay na ako ng 30 minutes! Kaya kaysa naman maglakad pa ako papunta sa MRT mas pinili kong mag hintay na lang since nakapag hintay na rin naman akong 30 minutes hindi ba. Friday the 13th nga ngayon, pero sure ako dahil late na ako kaya mahirap makakuha ng taxi. Tsaka baka marame siguro kaming late ng araw na ito. Noh ba kayo!?

Hindi ako nag bre-breakfast sa bahay. Sa canteen namin sa opisina ako kumakain madalas tuwing pagdating ko sa opisina. Konti lng kinain ko ng dinner kaya gutom na gutom ako kinabukasan. Pag dating ko kanina sa canteen, wala ng pagkain at ubos na. Late ako at hindi dahil toh sa ika-13 ng Biyernes!

Pag-balik ko at pagkaupo na pagka-upo ko sa aking area sa opisina, tumambad sa akin ang isang email. galing ito sa boss ko, late raw ako! Ahh oo alam ko kaya na late ako sus pinapaalala pa niya!!! Uyyy bawas pogi points na naman!

Nagkagulo gulo ang buhay ko ngayung araw! Halos hindi masyado maganda ang nangyayare. Pero sure ako na hindi ito dahil sa Friday the 13th, kundi dahil lang sa late ako nagising ng umaga!

Maraming nangyayare sa buhay natin na hindi natin ginugusto… Pero minsan dapat itigil natin ang pagsisi sa mga matandang kasabihan ang mga nagaganap na ganito kundi itanong natin sa sarili natin kung baket nangyayare ito sa atin.

Baket nagkagulo ang araw ko ngayon? Kase late ako! Eh baket ako late! Nako saan pa nga ba kundi dahil diyan sa PLURK.COM na yan!!! Ay add nyo ko http://www.plurk.com/user/umleo23 (adek talaga **woot**)

Ay wait meron pa isa, habang gumagawa ako ng document sa opisina kanina, nag crash ang PC ko! Shet hindi ko pa naman na save lahat nung ginawa ko! Dalawang araw ko ng ginagawa iyon! Makulit kase ako at hindi ako nag sasave ng file ng madalas… Malas? O Tanga? o ‘wag nyo na sagutin! hindi required!!!


Leave a comment


Advertise on umleo23.com
Copyright © 2007-2008 A Piece of Crap is proudly powered by WordPress
UmLeo23 Design Theme by Karlo Licudine of AccidentalRebel. Privacy Policy.
About Author | Webmail