Pilipinas, Game Ka Na Ba?
Posted by umleo23 on February 25th, 2008Kahapon ay pinagdiriwang nating mga Pinoy ang araw ng People Power Revolution noong 1986 laban kay Ferdinand
Marcos. Halos lahat ng Pilipino sa lungsod ay nagtipon-tipon at nagsama-sama. Mga madre at pari nasa gitna ng kalye upang harangin ang mga tangke. Mga Pilipinong nagkapit bisig. Talaga namang walang katumbas ang mga oras at araw na iyon. Napakagandang isipin na ang bawat isang Pilipino ay handang ipaglaban ang Pilipinas kahit pa katumbas nito ay ang kanilang buhay. Napaka sarap isipin hindi ba?
Nakalipas ang ilang dekada, ano na ang pinagbago ng Pilipinas mula ng bumaksak ang “Marcos Regime”? Gumanda ba ang buhay ng mga Pilipino simula ng naganap ang EDSA Revolution?
Vector Art by Goturboegon
Dumaan ang dalawang presidente, si Ginang Cory Aquino at si Ginoong Fidel Ramos, ng muling sumiklab ang EDSA II kung tawagin laban kay Pres. Estrada. Muli nagtipon ang mga Pilipino sa EDSA upang magsama-sama at magkapit bisig.
Nakalipas ang taon na iyon, ano na ang pinagbago ng Pilipinas mula ng bumaksak ang Administrasyong Estrada? Gumanda ba ang buhay ng mga Pilipino simula ng naganap ang EDSA II Revolution?
Ngayon ay si Ginang Arroyo na ang nauupong presidente ng Pilipinas. Maraming beses na nagtatangka na pabagsakin muli ang administrasyong ito. Meron pa nga noong nangyare na tinatawag na EDSA III, laban sa kanya. Ngunit hindi ito nagtagumpay.
Ako, ikaw, sila, tayong lahat na Pilipino, ilang EDSA Revolution pa ang kailangan nating gawin upang magbago ang Pilipinas? Ilang Administrasyon pa ang kailangan nating pabagsakin upang maisip natin kung ano ba talaga ang dapat. Kailangan ba talagang tularan ang naganap na pinaka unang EDSA Revolution? Dapat ba talagang tuwing walang magandang nagagawa ang Presidente ay magtipon sa EDSA at subukang pabagsakin sila?
Naisip na ba natin na baka hindi lamang ang Presidente ang may kasalanan kaya ganito ang Pilipinas ngayon? Naisip na ba natin na baka tayo mismo na mamamayanang Pilipino ay may pagkukulang din?
Naisip ba natin na kapag hindi natigil at patuloy nating tinutularan ang EDSA I, ay hindi lamang EDSA II at EDSA III ang mangyayare sa atin? Baka umabot tayo ng EDSA XVI bago tayo maumpog.
Kung mag People Power naman ang mga Politicians laban sa mamayanang Pilipino, ano kayang mangyayare?
Kung ikaw ang Presidente ng Republika ng Pilipinas, ano ang gagawin mo? Sure ka na ba?

tzeche
Commented last February 26th, 2008 at 7:33 pmAnd says:
Ako, ikaw, sila, tayong lahat na Pilipino, ilang EDSA Revolution pa ang kailangan nating gawin upang magbago ang Pilipinas?
>> kahit mag isang milyong EDSA revolution pa yan kung hindi magababago ang lahat ng Pilipino walang mangyayari
Kailangan ba talagang tularan ang naganap na pinaka unang EDSA Revolution?
>> ano ba sa mga nangyri ang tinutukoy mo?
Dapat ba talagang tuwing walang magandang nagagawa ang Presidente ay magtipon sa EDSA at subukang pabagsakin sila?
>> hindi sa walang magandang ginagawa si GMA ang problema. kundi dahil sa katiwalian niya at ng pamilya niya
Naisip na ba natin na baka hindi lamang ang Presidente ang may kasalanan kaya ganito ang Pilipinas ngayon? Naisip na ba natin na baka tayo mismo na mamamayanang Pilipino ay may pagkukulang din?
>> OO at OO
Naisip ba natin na kapag hindi natigil at patuloy nating tinutularan ang EDSA I, ay hindi lamang EDSA II at EDSA III ang mangyayare sa atin? Baka umabot tayo ng EDSA XVI bago tayo maumpog.
>> nabasa mo ba yung post ko sa multiply? sa tingin ko wala na masusulusyonan ang EDSA. dapat magkaron na lang ng “pass-pver” tulad sa bible at mamatay lahat ng corrupt
Kung mag People Power naman ang mga Politicians laban sa mamayanang Pilipino, ano kayang mangyayare?
>> subukan nila. it’ll be an entertaining freak show.
Kung ikaw ang Presidente ng Republika ng Pilipinas, ano ang gagawin mo? Sure ka na ba?
>> simple. gagawin ko ang tama, nararapat at makatarungan. OO, sure na’ko.
umleo23
Commented last February 26th, 2008 at 7:45 pmAnd says:
Salamat sa napaka makabayan na sagot Tze! ehehehehehehe
Minsan talaga iisipin mo kung saan ba talaga papunta ang Bayan natin. Kung maganda ba ang bukas na makikita ng mga magiging anak natin. Dapat naiisip natin ang mga bagay na ito. Sabi ni Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit bago ito maisakatuparan, kinakailangan ang tulong ng nakakarame at nakakatanda, dahil sila ang magtuturo at magpapasa ng kaalamanan sa kabataan. paano na lang kung patuloy na bumaksak ang Pilipinas.
Ano ang ituturo natin sa mga magiging anak natin? Mag rally sa edsa, magtapon ng basura kung saan saan, dumura kung saan saan, umihi kung saan saan, daanin sa kasikatan ang pagboto ng Presidente. Tanggapin ang ano mang suhol.
Sana hindi magka ganito ang bukas na gigisingan ng mga bata.
kulot
Commented last February 26th, 2008 at 8:49 pmAnd says:
added too…
tzeche
Commented last February 26th, 2008 at 9:04 pmAnd says:
the sad truth is ganitong bukas ang dadatnan nila. actually ang prediksiyon ko is mas malala pa nga.
at ang tanging magagawa mo lang naman talaga e palakihin sila ng may mataas na moralidad.
umleo23
Commented last February 26th, 2008 at 10:25 pmAnd says:
@ Kulot:
keep it Up!!!
Thanks for the Add tol!
@Tze: Tama ka, mataas na moralidad na lamang ang maari nating maibigay sa mga magiging anak ng ating henerasyon. Sana magbago ang lahat… Hindi pa rin tayo nawawalan dapat ng pag asang magbago…
lyza
Commented last March 1st, 2008 at 9:43 amAnd says:
hello!
ganda ng tanong mo a “Kung mag People Power naman ang mga Politicians laban sa mamayanang Pilipino, ano kayang mangyayare?” hmm… siguro matatalo sila dahil napakarami ng mamamayang pilipino at pagbabatuhin sila ng kamatis. hehe.
“Kung ikaw ang Presidente ng Republika ng Pilipinas, ano ang gagawin mo? Sure ka na ba?” kung ako… iibahin ko ang constitusyoN! gagawin kong isang taon lang sa pwesto ang bawat pangulong umupo. bakit? kasi kung 6 na taon pa yan…. lalaki ang ulo…. puputok at maraming kababalaghan ang kayang gawin.
well pwede ngang wala nang gobyerno e… kung may disiplina lang ang tao. pero wala e… so… tiis!
lyza’s last blog post..For the greater Glory?
A Piece of Crap » A Blogger of What?
Commented last February 24th, 2009 at 8:08 pmAnd says:
[...] Pilipinas Game Ka Na Ba? [...]